Konsehal patay sa atake sa puso habang nang-aaresto ng GCQ violators

Konsehal patay sa atake sa puso habang nang-aaresto ng GCQ violators

May 31, 2021 @ 8:37 AM 2 years ago


Kidapawan – Patay sa atake sa puso ang konsehal sa lalawigang ito habang nang-aaresto ng mga lumabag sa protocol ng probinsya na “No Sunday Movement” bandang 1:30 p.m. kahapon, Mayo 30.

Sa ulat, ang nasawing si Jim Batislaon, konsehal ng Singao, Kidapawan City ay kasama ng grupong Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT).

Dito ay may naharang silang lulan ng motorsiklo ngunit tumakas kung kaya’t hinabol nila Batislaon at iba pang BPAT personnel.

Habang nagmamaneho ng motor angkas ang isang lumabag, bigla na lamang nalaglag si Batislaon habang hawak ang kanyang dibdib at hindi makahinga.

Batay kay Singao Barangay Chair Eduardo Loma, isinugod pa nila si Batislaon sa ospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.

“It was extremely hot at 1:30 p.m. here and that could have triggered the heart attack,” lahad ni Loma. RNT/FGDC