Konsehal sa Cagayan, pinagbabaril patay

Konsehal sa Cagayan, pinagbabaril patay

July 30, 2018 @ 6:59 AM 5 years ago


 

Tuguegarao City – Patay ang isang konsehal matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa lungsod ng Tuguegarao, probinsya ng Cagayan pasado alas-sais kagabi (July 29).

Ayon sa unang imbestigasyon pauwi na sana ng bahay si Councilor Alfredo Alvarez sakay ng kaniya kotse ng pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa binabaybay nitong kalsada sa Barangay San Gabriel, Tuguegarao City.

Patay ang 64-anyos na konsehal dahil sa natamong tama ng bala sa katawan.

Patuloy naman na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya tungkol sa motibo at kung sino ang nasa likod ng pamamaril.

Bukod pa rito, nagsasagawa na rin ng manhunt operation ang mga pulis at bumuo na rin ng Special Investigating Task Group para matutukan ang kaso. Remate News Team