Konsehal sa Lanao del Sur, patay sa pamamaril; tatlo sugatan

Konsehal sa Lanao del Sur, patay sa pamamaril; tatlo sugatan

July 8, 2018 @ 9:57 AM 4 years ago


 

Lanao del Sur – Patay ang isang konsehal habang tatlo naman ang sugatan sa pamamaril sa Lanao del Sur, kahapon.

Kinilala ng  Balabagan Municipal Police ang napatay na konsehal na si Nassif Palawan Bansil, 31-anyos, municipal councilor ng Kapatagan, Lanao del Sur.

Kritikal naman ang kalagayan ni Alvin Abdullah Sampiano, 35-anyos, dating kapitan ng barangay Poblacion, Balabagan habang ang dalawa pang biktima ng pag-atake ay hindi pa pinapangalanan.

Tinuturo ng mga pulis na motibo sa nangyaring pagpaslang ay ang away sa pamilya o “rido”.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Balabagan MPS, ang apat na biktima ay nasa loob ng compound ng dating Balabagan Municipal Mayor na si Hadji Amer Sampiano nang dumating ang limang indibidwal na sakay ng kulay asul na Toyota Tamarraw FX na pumasok sa bahay at saka pinagbabaril ang mga biktima.

Ang hindi nakilalang mga suspek ay mabilis na tumakas matapos isagawa ang pagpaslang.

Patuloy naman na nagsasagawa ng operasyon ang mga pulis upang hanapin ang mga suspek sa naturang insidente. (Remate News Team)