Konsehal sa Quezon, patay sa pananambang

Konsehal sa Quezon, patay sa pananambang

November 18, 2022 @ 10:15 AM 3 weeks ago


DOLORES, Quezon- Duguan bumulagta ang isang konsehal habang naglalakad matapos tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek kaninang umaga, Nobyembre 18 sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Dolores Councilor Orlando “Orly” Barsomo, 47, at residente ng Barangay Dagatan sa naturang bayan.

Batay sa report ng Dolores Municipal Police Station (MPS), bandang alas-6 ng umaga ay naglalakad ang biktima sa nasabing lugar bilang kanyang exercise ng bigla na lamang itong barilin ng malapitan ng suspek.

Agad na bumagsak sa lupa ang biktima at binawian ng buhay habang mabilis naman nakatakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Nakita naman ng isang vendor ang duguan biktima at agad na ipinagbigay-alam sa pulisya ang pangyayari.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek. Mary Anne Sapico