Konsi arestado sa terorismo

Konsi arestado sa terorismo

March 15, 2023 @ 8:43 AM 2 weeks ago


COTABATO- ARESTADO ang isang konsehal matapos madakip ng mga awtoridad sa isinagawang sa isinagawang law enforcement operation dahil sa paglabag sa anti-terror law, noong Lunes sa Cotabato City.

Kinilala ang nadakip ang nadakip na suspek na si Abdulwadod Sangki, miyembro ng sangguniang bayan ng Ampatuan sa lalawigan ng Maguindanao del Sur.

Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 11479 o ang Anti-terrorism Act of 2020, nadakip ng mga awtoridad ang suspek sa sa Cotabato airport , bandang 1:00 PM.

Ayon kay Brig. Gen. John Guyguyon, police regional director ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), katatapos lamang dumalo ni Sangki ng 11th Councilors League 2023 National Convention na ginanap sa World Trade Center sa Pasay City.

Pagbalik nito ng Maguindanao agad siyang naharang ng mga awtoridad sa naturang paliparan.

Sinabi ni Guyguyon na most wanted person sa nasabing bayan si Sangki at pang-apat din na most wanted sa regional level.

Itinuturong sangkot si Sangki sa insidente ng pambobomba noong Mayo 9, 2022 National and Local Elections sa Datu Abdullah Sangki Elementary School, Barangay Poblacion, Ampatuan, Maguindanao.

Nakakulong ngayon sa detention facility ng Criminal Investigation and Detection Group-BARMM sa Cotabato City si Sangki./Mary Anne Sapico