Konsi patay sa concrete fence

Konsi patay sa concrete fence

October 6, 2022 @ 9:50 AM 2 months ago


ILOCOS SUR-Tigok ang isang barangay kagawad matapos sumalpok sa concrete fence ang minamaneho nitong motorsiklo sa Brgy. Cabittaogan, Sta. Catalina ng lalawigang ito kagabi.

Kinilala ng Sta. Catalina Municipal Police Station ang biktima na si Ruselle Ragasa y Rafanan, 47, walang asawa, residente at barangay kagawad ng naturang lugar.

Sa imbestigasyon, ang Yamaha CB100 motorcycle na minamaneho ng biktima ay papuntang timog na direksyon.

Nabatid na pagdating nito sa lugar, bumangga ang motorsiklo sa concrete fence.

Ang biktima na nagtamo ng head injury ay agad na isinugod sa Metro Vigan Coop Hospital sa Bantay, Ilocos Sur ng mga rumespondeng personnel ng RHU at Sta. Catalina MPS.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso