Konsi timbog sa tobats

Konsi timbog sa tobats

July 19, 2022 @ 8:43 AM 3 weeks ago


ILOCOS SUR- Arestado ang isang barangay kagawad matapos salakayin ng mga otoridad ang bahay nito sa Brgy. Turod-Patac, Cabugao ng lalawigang ito at madiskubre ang nakatagong mahigit 5 gramo ng hinihinalang shabu.

Kinilala ang suspek na si Leo Ronnel Taberna y Tabaco, 36.

Bandang umaga kahapon ay nagtungo sa bahay ng suspek ang pinagsanib na puwersa mula sa Cabugao MPS (lead unit), PIU ISPPO, RDEU, PDEU, 101st MC, RMFB1, 1st PFMC at Cabugao Maritime Police Precinct upang i-serve ang search warrant na inilabas ng Presiding Judge ng RTC 24, Cabugao, Ilocos Sur laban sa suspek.

Sa paghahalughog ng mga otoridad ay nadiskubre nila ang 7 plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu na nakalagay sa loob ng rectangular na tiny metal candy container.

Tinatayang tumitimbang ng 5.061 gramo at may street value na P45,549 ang hinihinalang shabu na nakumpiska ng mga otoridad.

May suot na Alternative Recording Devices ang mga otoridad nang isagawa nila ang naturang operation.

Sinaksihan din ito ng mga kapamilya ng biktima, DOJ Representative, Media representative, kapitan ng barangay at mga iba pang barangay officials.

Ang suspek pati na ang mga nakumpiskang hinihinalang shabu ay nasa kustodya ngayon ng Cabugao Municipal Police Station para sa mga gagawing dokumentasyon at tamang disposisyon. Rolando S. Gamoso