Manila, Philippines – Uumpisahan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa susunod na linggo ang Estrella-Pantaleon Bridge na mag-uugnay sa Estrella Street sa Lungsod ng Makati at Barangka Drive sa Lungsod ng Mandaluyong at Binondo-Intramuros Bridge sa Lungsod ng Maynila.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, nakatakdang simulan ang pagtatayo ng dalawang tulay sa susunod na linggo.
Parehong popondohan ng People’s Republic of China ang proyekto na inaasahang matatapos sa taong 2020.
Napag-alamang may kabuuang haba na mahigit 500 meters ang Estrella-Pantaleon Bridge .
Habang ang Binondo-Intramuros Bridge na dadaan sa Pasig River ay may habang 734 meters.
Inaasahan namang makakabawas sa daloy ng trapiko sa ilang mga pangunahing tulay sa Maynila Makati at Mandaluyong sa oras na matapos ang dalawang tulay.
Nabatid na bahagi ang dalawang tulay ng Metro Manila Logistics Improvement Network na isang traffic management plan na binubuo ng labing dalawang mga bagong tulay na daraan sa Pasig River, Marikina River at Manggahan Floodway. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)