Konstruksiyon ng media hub sa Mindanao, malapit nang matapos

Konstruksiyon ng media hub sa Mindanao, malapit nang matapos

August 4, 2018 @ 3:00 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Malapit nang matapos ang construction ng  Mindanao media hub sa Davao city.

Ito ang masayang ibinalita ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar.

Aniya, nasa ikaapat na palapag na ang construction ng state of the art facility na magsisilbing national government media center ng buong Mindanao.

Ito ay ginawa bilang counterpart ng Luzon media hub na nasa Quezon City.

Dito aniya ilalagay ang PTV, Radyo Pilipinas, FM1, FM2, Philippine News Agency, Philippine Information Agency at lahat ng opisina sa ilalim ng PCOO.

Inihayag din ng opisyal  na oras na matapos ang proyekto, magkakaroon na rin ng Bisaya na newscast ang PTV.

Samantala, tiniyak ni Sec. Andanar na magkakaroon din ng Visayas national government media hub na isusunod agad pagkatapos ng Mindanao media hub. (Kris Jose)