Konstruksyon ng Muslim-Christianity Unity Highway, pirmado na ni PDu30

Konstruksyon ng Muslim-Christianity Unity Highway, pirmado na ni PDu30

January 14, 2022 @ 10:29 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang RA 11602 para sa konstruksyon o pagtatayo ng Muslim-Christian Unity Highway.

Ang mandato ng batas ay konstruksyon o pagtatayo ng national highway mula Lanao del Norte Interior Circumferential Road sa Munisipalidad ng Tagoloan, Province of Lanao del Norte patungong Munisipalidad ng Talakag, Province of Bukidnon, na mayroong crossroad sa Barangay Malimbato, Munisipalidad ng Tagoloan, Province of Lanao del Norte at connecting roads sa national highway sa Iligan City sa pamamagitan ng Barangay Pugaan, Iligan City at sa national highway sa Marawi City sa pamamagitan ng munisipalidad ng Kapai, Province of Lanao del Sur.

Sa ilalim ng RA 11602, “the amount necessary to defray the cost of undertaking and completing the feasibility study and detailed engineering for this project, and other activities related will be included in the annual GAA.”

Matapos Ito, isasama ng Kalihim ng DPWH sa porgrama ng departmento ang konstruksyon ng Muslim-Christian Unity Highway, ang pondo ay isasama sa annual GAA.

Samantala, pinirmahan naman ni Pangulong Duterte ang RA11612 o “an act creating a new district engineering office in the Third Legislative District of the Province of Zamboanga del Norte which will be known as the Fourth District Engineering Office and will be located in the Municipality of Siocon, Province of Zamboanga del Norte.”

Sa ilalim ng RA 11612, ang bagong district engineering office ay magsisilbi rin sa Munisipalidad ng Baliguian, Siraway, Siocon, at Sibuco, lahat ay nasa loob ng third legislative district ng lalawigan ng Zamboanga del Norte.

Isasama ng Kalihim ng DPWH sa programa ng departmento ang operationalization Fourth District Engineering Office sa Province of Zamboanga del Norte, ang pondo ay isasama sa annual GAA.

Kapuwa ang batas ay nilagdaan noong Disyembre 10,, 2021 at parehong ipinalabas, araw ng Huwebes. Kris Jose