Konstruksyon ng Navotas Convention Center, sinimulan na

Konstruksyon ng Navotas Convention Center, sinimulan na

January 14, 2022 @ 9:49 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Kabilang sa pagdiriwang ng ika-116th na founding anniversary ng Navotas City, ibinahagi nina Navotas City Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco ang isa na namang proyekto na nakapagpapataas ng kabuhayan, edukasyon, hanapbuhay at turismo sa lungsod.

Sinimulan na ang konstruksyon ng Navotas Convention Center, isang world class facility na susi sa paghahatid ng mas marami pang oportunidad para sa ikauunlad ng bawat Navoteño.

Base kay Cong. Tiangco araw- araw ay may good news para sa mga Navoteño kasabay ng weeklong celebration ng 116th founding anniversary ng lungsod.

Ang unang palapag ng NCC ay may indoor parking at sa 2nd floor naman ay may 10 function rooms na may kapasidad para sa 700 katao, 6 na opisina at 2 cafeteria.

Habang sa ikatlong palapag ng nasabing gusali ay ipinagmalaki ni Mayor Toby Tiangco ang isang standard-sized basketball court na may 4,225 sitting capacity at may elevator para sa mga senior citizen at mga PWD.

Ayon kay Mayor Tiangco, ito ay sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Kongreso at ito ay sentro ng pagsasagawa ng pagpupulong na may kaugnayan sa larangan ng kabuhayan, edukasyon, turismo at malalaking area tulad ng Sports o Palakasan.(R.A Marquez)