Konstruksyon ng Phase 2 Cavitex C-5 link segment 2, aarangkada na

Konstruksyon ng Phase 2 Cavitex C-5 link segment 2, aarangkada na

March 3, 2023 @ 12:20 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakatakda nang simulan sa mga susunod na araw ang konstruksyon ng Phase 2 Cavitex C5 link segment 2 mula Parañaque Toll Plaza sa Sucat na magdudugtong sa Coastal Road patungong Cavitex o R-I interchange.

Ang konstruksyon ng proyektong 1.9 kilometrong 2×3 lane expressway ay maisasakatuparan sa nilagdaang kasunduan sa pagitan nina Cavitex Infrastructure Corporation (CIC) President at General Manager Raul Ignacio at China Road Bridge Corporation (CRBC) na pinamunuan naman ni Philippine Branch General Manager Ren Xiaoping.

Target ng CIC at CRBC ang pagsisimula ng konstruksyon ng Phase 2 Cavitex C5 link segment 2 nitong unang quarter ng kasalukuyang taon kung saan planong tapusin ang proyekto bago matapos ang 2023.

Kapag natapos ang konstruksyon ay inaasahan na mababawasan ang oras ng biyahe mula Sucat Road hanggang Cavitex R-I at vise-versa ng 10 minuto.

“The CAVITEX C5 Link is a vital segment of the Manila-Cavite Toll Expressway Project (MCTEP). So far, we managed to open 3.8-kilometer (Segment 3A1 and 3A2) to the motoring public, serving more than 16,000 vehicles daily. Still, we have a long way to go. This is something we cannot do alone, hence, our search for a contractor that would be up to the task of delivering world-class quality infrastructure for our motorists within our timeline. We are glad that our new partner China Road and Bridge Corporation (CRBC) took on the challenge,” ani Ignacio.

Ayon kay Ignacio, ang CRBC ay pioneer na sa international engineering contracting market sa China na aabot sa 60 taon.

Sinabi ni Ignacio na nakatutok ang nabanggit na kompanya sa global civil engineering at proyektong konstruksyon tulad ng kalsada, tulay, puerto, tunnel, riles, municipal works, dredging at paliparan.

Napag-alaman kay Ignacio na ang CRBC nakapanatili sa Pilipinas sa loob ng 30 taon at nakapagsagawa na rin ng maraming proyekto na nagdulot ng kaunlaran sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa dahil sa kalidad at on-time construction ng kanilang trabaho.

Dagdag pa ni Ignacio na ang Central Luzon Link Expressway (CLLEX) Phase 1 Package 2, ang Estrella-Pantaleon at Binondo-Intramuros Bridge ay ilan lamang sa mga proyektong naisagawa ng CRBC. James I. Catapusan