Ukol pa rin sa pederalismo, bigyan natin ng pointers ang mamamayan kung ano nga ba ang kagandahan at kapangitang naibibigay nito kung sakaling tuluyan nang iiral ito na sistema ng ating gobyerno.
Ang Pilipinas ay 7,107 na isla kaya ito’y isang arkipelago. May mga tribo at kultura ang bawat isla at may kanya-kanyang pangangailangan din, lalo na sa panahon ng kagipitan at kalamidad .
Sa panahon ng kagipitan o kalamidad gaya ng bagyo, lindol at iba pa, maraming beses na pong hindi natutugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima dahil ang pondo ay nakasentro lang po sa Sentralisadong Pamahalaan sa ilalim ng Unitary Form of Government gaya ng umiiral ngayong sistema (kumbaga kabagal matamo).
Nakasasawa at lagi na lang tayong nagdurusa sa Unitary Form na kabaligtaran ng Federal Form.
Pero kung mapairal na ang Pederalismo, malamang na makakamit na natin ang tunay at mabilis na serbisyo at pagbabago na may kinalaman sa kalamidad, ekonomiya, pantay-pantay na hustisya, pag-unlad ng bawat estado at pagpapalawak ng buong Kamaynilaan.
Gaya ng karamihan ng uri ng pamamahala, ang Federal o State Government ay parehong may tatlong klaseng sangay gaya ng Ehekutibo na tagapagpatupad ng batas na ginawa ng Lehislatura at taga-interpret ng batas na Hukuman.
Ang Federal Government ay pinamumunuan din ng Presidente o Prime Minister at Governor o Premier sa State Government.
Ang Lehislatura ay taga-debate at tagagawa ng mga batas at tinatawag itong Congress o Parliament na maaaring unicameral o bicameral.
Ang Judiciary naman ang nagbibigay ng kahulugan sa mga batas at nagpapasya kung ang dalawang sangay ng pamahalaan ay may conflict sa pag-unawa ng batas.
Mayroon din namang Supreme Court at lower court ang bawat estado at may Federal Courts sa Federal Government. (ITUTULOY)
PAGNANAKAW, PANANABOTAHE
Patuloy ang pagnanakaw ng iba’t ibang produkto ng petrolyo itong si Dodong Gasul sa Brgy. Maquiling, Calamba, Laguna (sa likod ito ng Yakult Factory). Milyones ang kinikita ni Dodong sa pagnanakaw ng petrolyo.
Hindi kaya patong o may lagay na tinatanggap sina Calamba Mayor Timi Chipeco at Calamba COP Supt. Joselito Sesto kaya hindi umaaksyon ang mga ito para buwagin ang ‘paihi empire’ ni Dodong Gasul? Nagtatanong lang po.
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected] – JUAN DE SABOG NI JOHNNY MAGALONA