Konting tracing, maraming testing target ng DOH

Konting tracing, maraming testing target ng DOH

January 14, 2022 @ 11:43 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Babaguhin ng Department of Health (DOH) ang kanilang polisiya sa contact tracing at testing contact tracing dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID.

Paliwanag ni  Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi na prayoridad ngayon ang contact tracing dahil halos karamihan sa isang pamilya ay positibo sa COVID.

Sa panayam ng CNN Philippines kay Health Secretary Francisco Duque III, impractical aniya ang magsagawa ng contact tracing kung mayroon nang widespread at sustained community transmission.

“You’ll be wasting a lot of resources doing contact tracing when you know the cases are already on an upswing, accelerating, and more and more communities are being infected,” lahad ni Duque.

“Now, it’s very difficult to contact trace everyone.”

 “The infection rate is quite high and Omicron is pretty established to be highly transmissible, more than Delta and the other COVID-19 variants,” dagdag pa nito. RNT/FGDC