Kontrabida ni Janice, may pasabog sa YouTube!

Kontrabida ni Janice, may pasabog sa YouTube!

December 9, 2021 @ 4:15 PM 10 months ago


Manila, Philippines – There is a saying in the biz na once you dip your foot into the business of show, you will be forever in this business of show.

Sakto ang kasabihang ‘yan dahil ‘yan ngayon ang nangyari sa former actress na si Rosanna Jover. FYI, si Jover ang dating nagpapahirap o lead kontrabida ni Janice de Belen sa nangungunang teleserye noon na Flordeluna.

After years of being absent in showbusiness dahil tumutok siya sa kanyang practice of dentistry, ay nagbabalik ulit si Rosanna with her own YouTube channel, ang Artistang Dentista.

“My goal here is to bridge the gap between the dentist and the patient. This will be an informatove channel and viewers will have the chance to have information on common dental issues for free.

“Alam naman natin na maintaing our dentures is a bit expensive pero with this channel, maraming malalaman ang mga viewers na kung minsan, e, pwedeng DYI na lang and hindi na kailangan pang dumalaw sa dentist.

“At the end of the day, madali lang naman talaga alagaan ang ngipin para hindi ito masira or mabulok. Prevention is the key and usually kayang-kaya itong gawin sa bahay.

“And ‘yun ang idi-discuss ko on our future episodes,” sabi pa ni Doc Mayang.

As of now ay may regular conversation pa rin si Rosanna sa dati niyang mga kasama like Janice de Belen and Herbert Bautista.

Also, Jover admitted na sobra na niyang nami-miss ang showbiz and she is definitely open if ever na bigyan siya ng role ng mga interested movie or TV producers.

In addition, Doc Rosanna is the sister of award-winning director Ralston Jover. JP Ignacio