Kontradiksyon sa Maharlika Fund bill pinuna ni Pimentel

Kontradiksyon sa Maharlika Fund bill pinuna ni Pimentel

January 16, 2023 @ 1:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinuna ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Lunes, Enero 16 sa tila “internal contradictions” sa panukalang bubuo sa Maharlika Investment Fund.

Ito ay sa kabila ng plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na talakayin ito sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland.

“Number one, is this a corporation where the profits will be given to the investors? Why will the big businesses who are organized for profits attending the Davos conference invest in a corporation where it is not for profit?” ani Pimentel sa panayam ng CNN Philippines.

“So the approved version of the Maharlika measure is very different from the initial version filed. It has shifted in concept and focus and idea. That’s why the final version accommodates different concepts which are already contradicting each other,” dagdag pa niya.

Inulit naman ni Pimentel na ang pagtalakay ni Marcos sa Maharlika Investment Fund sa naturang pagpupulong ay masyado pang maaga dahil hindi masyadong napag-isipan at hindi pa naisulat ng mabuti ang panukala.

Sa kasalukuyan ay wala pang tugon ang Malakanyang sa pahayag na ito ni Pimentel.

Matatandaan na sinabi ni Undersecretary Carlos Sorreta na ang proposed sovereign wealth fund ng bansa ay magkakaroon ng “soft launch” sa WEF.

Nauna nang sinabi ni Pimentel nitong Linggo, Enero 15 na ang planong ito ng Pangulo ay magdudulot lamang ng pressure sa mga Senador na ipasa ang naturang panukala.

Kamakailan ay inaprubahan ng Kamara sa huling pagbasa ang House Bill 6608 na bubuo sa MIF. RNT/JGC