Kontrata ng Comelec sa mga supplier, posibleng maapektuhan sa BSKE postponement

Kontrata ng Comelec sa mga supplier, posibleng maapektuhan sa BSKE postponement

September 25, 2022 @ 9:29 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Posibleng makaapekto ang pagpapaliban o pag-urong ng petsa ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa kontrata ng Commission on Elections sa mga suppliers at service contractors nito.

Sa isang pahayag nitong Sabado, Setyembre 24 ay sinabi ni Comelec chief George Garcia na pinag-aaralan na nila ngayon ang posibleng implikasyon nito sa mga Notices of Award nila sa mga supplier at contractor.

“For example, the delivery will not be continued. The Comelec may be sued if our purchases will not be honored,” ani Garcia.

Dagdag pa rito, nilinaw rin ni Garcia na ang pag-urong ng petsa ng pag-imprenta ng mga balota ay hindi indikasyon na ipagpapaliban rin nila ang eleksyon.

Matatandaan na sinabi kamakailan ng Comelec na mula sa orihinal na petsa na Setyembre 21 ay ginawang katapusan ng buwan ang pagsisimula nila ng ballot printing.

“The reason why we moved it for another week is because when we talked to the NPO, they offered that instead of us taking the ballots to another place or warehouse, they will keep the ballots there. So, it’s necessary to amend the MOA with them and include the warehousing services,” aniya.

Siniguro naman ni Garcia na handa ang Comelec na isagawa pa rin ang barangay at SK elections sa Disyembre 5. RNT/JGC