Kontrata ni Harden, iimbestigahan ng NBA

Kontrata ni Harden, iimbestigahan ng NBA

July 31, 2022 @ 10:57 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Isiniwalat ng NBA na iniimbestigahan nila ang kontrata ni NBA star James Harden sa Philadelphia Sixers dahil sa umano’y posibleng tampering sa pinasukang kontrata ngayong summer agency na kinapapalooban nina James Harden, P.J. Tucker at Danuel House.

Iimbestigahan umano ng NBA ang desisyon ni Harden na tanggihan ang $47.4 million player option para sa season 2022 at 2023 pero pumayag itong bawasan ang kanyang sweldo para tanggapin ang dalawang taon na kontrata na nagkakahalaga ng $68 million.

Sa kabilang banda, sina Tucker (may 3-yrs., $30-M) at House (may yars, $8.4 million) ay pumayag naman sa mga maximum contracts.

Naging usap-usapan na posibleng na matagal nang plantsado ang kontrata at kung totoo ito ay maituturing na isa itong paglabag sa collective bargaining rules.

Ayon sa ulat, ipinatawag ng NBA ay ang presidente ng Sixers at maging mga team personnel.

May nangyari na rin ng ganitong sitwasyon kung saan pinatawan ng parusa ng NBA ang Chicago Bulls at Miami Heat at inalisan ng karapatan sa second-round pick.JC