Kontratista niratrat habang nagpapasweldo

Kontratista niratrat habang nagpapasweldo

March 25, 2022 @ 12:15 PM 3 months ago


BATANGAS- PATAY ang isang kontratista matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay nagpapasweldo sa kanyang mga tauhan Huwebes sa bayan ng Ibaan.

Kinilala ang biktimang si Peterson Co, 49-anyos, residente ng Barangay Bolbok sa Batangas City.

Batay sa report ng Ibaan Police Station, naganap ang insidente sa ginagawang gymnasium sa Barangay Buliat ng nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon, dumating ang biktima sa lugar na isa rin niyang contract project para magpasuweldo sa kanyang mga tauhan.

Ilang minuto ang makalipas dumating ang mga suspek na armado ng .45 kalibre na baril at pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang tunay na motibo sa pagpaslang sa biktima at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran ikadarakip sa mga ito./Mary Anne Sapico