Kontribusyon ng Filipino Americans kinilala ni Biden

Kontribusyon ng Filipino Americans kinilala ni Biden

October 3, 2022 @ 8:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagpaabot ng pasasalamat si President Joe Biden ng United States sa Filipino American community sa pagdiriwang ng Filipino American History Month (FAHM) ngayong Oktubre.

Sinabi ni Biden nitong Linggo na siya at ang First Lady, na si Jill, ay nagagalak na kilalanin ang FAHM at ipagdiwang ang “innumerable” contributions at “rich heritage” ng Filipino-Americans sa US.

“We support, honor, and thank you for all you have done to help fulfill the promise of America for all of us,” saad sa post ni Biden sa Twitter at Facebook.

Inalala niya ang kontribusyon ng Filipino Americans sa World War II at sa pagkakasa ng permanenteng pagbabahp na nagpabuti sa farm labor conditions sa US.

Kinilala rin ni Biden ang serbisyo at sakripisyo ng Filipino Americans front liners sa COVID-19 pandemic, at sinabing sila ay “essential part” ng diversity sa US.

Ikinasa ng Filipino American National Historical Society (FANHS) ang tema ng FAHM tpara sa taong ito na “Celebrating Our History and Legacies: 50 Years of Filipino-American Studies, 40 Years of the Filipino American National Historical Society, and 30 years of Filipino-American History Month”.

Ipinanukala ng FAHM noong 1991 habang isinagawa naman ng US Congress ang official declaration noong Nobyembre 2009, at binanggit ang “advancement of Filipino-Americans and as a time to renew efforts toward the examination of history and culture in order to provide an opportunity for all people in the US to learn more about Filipino-Americans and their historic contributions to the Nation.”

Naghanda ang FANHS, na kasalukuyang pinamumunuan ni Dr. Kevin Leo Yabut Nadal bilang presidente, ng ilang aktibidad sa month-long celebration ng FAHM.

“We kindly remind people that we emphasize history, not heritage, during Filipino American History Month, commemorating our struggles, resilience, and contributions to the history of the United States,” pahayag ng FANHS sa Facebook.

Itonatag ang grupo noong 1982 na may misyon na isulong ang understanding, education, enlightenment, appreciation, at enrichment sa pamamagitan ng identification, gathering, preservation, at dissemination ng kasaysayan at kultura ng Filipino-Americans.

Isang volunteer-run organization na may 40 chapters sa US, ang FAHNS ay may national office at National Pinoy Archives sa Seattle, Washington, at isang Filipino American National Historical Society Museum saStockton, California. RNT/SA