Kontrobersiyal na hukom, nanumpa na bilang bagong US Supreme Court Justice

Kontrobersiyal na hukom, nanumpa na bilang bagong US Supreme Court Justice

October 7, 2018 @ 12:41 PM 4 years ago


 

 

US – Nanumpa na bilang bagong US Supreme Court Justice si Judge Brett Kavanaugh matapos na makalampas sa kumpirmasyon sa Senado sa 50-48 na boto.

Matatandaang dumaan sa ilang linggong debate ang hukom nang madawit ito sa isyu ng sexual harassment.

Pinangunahan ni Chief Justice John Robers ang panunumpa sa konstitusyon ni Kavanaugh habang panunumpa naman sa hudikatura ang pinangasiwaan ni dating Justice Anthony Kenedy.

Kasama na nanumpa ni Kavanaugh ang kanyang asawa, mga anak at mga magulang.

Samantala, gusto namang panagutin ni US President Donald Trump ang mga nagparatang umano kay Kavanaugh.

“I think that they should be held liable,” aniya. “You can’t go around and whether it’s making up stories or making false statements about such an important position, you can’t do that. You can destroy somebody’s life.” (Remate News Team)