Kontrobersiyal na si Osaka umusad sa round 2 ng Aussie Open

Kontrobersiyal na si Osaka umusad sa round 2 ng Aussie Open

January 17, 2022 @ 1:31 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Nalusutan ni defending champion Naomi Osaka ang matinding hamon mula kay Colombian star Camila Osorio para umusad sa ikalawang round ng Australian Open 6-3 6-3 sa Rod Laver Arena.

Desidido ang Japanese na dating world number one na makuha ang panalo matapos umarangkada sa 5-0 lead sa opening set subalit unang hold ng serve ang nagpasigla kay Osorio, na nagsimulang habulin ang lahat ng ibinato ni Osaka sa kanya.

Kinailangan ni Osaka na mag-save ng dalawang break points para hawakan ang serve para sa unang set at humarap ng dalawa pa sa ikalawang stanza bago madaig ang bagitong world number 50 sa kanyang mga agresibong shot mula sa baseline.

“It always feels special to come back here,” ani ng 13th seed, na sunod na haharapin si Dayana Yastremska o Madison Brengle na target makuha ang kanyang pangatlong Melbourne Park title.

“I thought she played amazing. Overall I’m just happy to be here, I’m happy to see everybody in the audience and I hope we gave you a great performance,” ani Osaka.Rico Navarro