Kontrobersyal na DICT exec nagbitiw sa pwesto

Kontrobersyal na DICT exec nagbitiw sa pwesto

December 7, 2022 @ 9:03 AM 2 months ago


MANILA — Nagbitiw na sa Department of Information and Communications Technology (DICT) si dating Energy Regulatory Commission (ERC) chairman Jose Vicente Salazar, ani Secretary Ivan Uy sa Commission on Appointments (CA).

Sa liham ni Salazar kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may petsang Nob. 23, dito binanggit niya ang health condition ng kanyang asawa na nangangailangan ng kanyang “constant physical presence in her healing process.”

Ang pamilya ng yumaong direktor ng ERC na si Francisco Jose Villa Jr. noong Agosto ay sumulat kay Marcos, na umaapela na “bawiin niya ang appointment” ni Salazar at “enforce the decision” of former President Rodrigo Duterte “to bar him from public service forever.”

Si Salazar ay sinibak sa ERC noong Oktubre 2017 matapos mapatunayang guilty sa 2 counts ng simple misconduct at isang count ng grave misconduct kaugnay ng mga kasong katiwalian.

Nagpakamatay si Villa noong Nobyembre 2016 matapos mapilitan na aprubahan ang mga kontrata sa pagkuha ng mga consultant nang walang tamang bidding at pamamaraan, sinabi ng kanyang pamilya.

Nauna nang binalaan ni CA member Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel si Uy laban sa pagpapanatili kay Salazar.

“Ang taong ito ay talamak na corrupt… You should get rid of this person,” ani Pimentel kay Uy. RNT