Kontrobersyal na lotto draw, swak sa imbestigasyon ng Kamara

Kontrobersyal na lotto draw, swak sa imbestigasyon ng Kamara

October 4, 2022 @ 3:28 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Nakatakdang imbestigahan ng House Committee on Games and Amusements ang kontobersyal na grand lotto draw kung saan mahigit sa 400 tumayo ang nagha-hati sa P236 milyong jackpot prize.

Ito matapos ihain ni House Minority Leader at 4Ps Partylist Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan ang House Resolution No. 463 na nagsusulong sa imbestigasyon ng 6/55 lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong October 1.

Nilinaw ni Libanan sa resolusyon na dapat proteksyunan at manatiling malinis ang mga lotto draws na malaki ang naiaambag sa kabang-yaman ng gobyerno na nagagamit naman sa mga public health programs at pagkakaloob ng medical assistance sa sektor ng mahihirap.

“We also have to safeguard the hopes and dreams of millions of Filipinos that patronize the lotto draws every day,” ayon pa kay Libanan.

Ani Libanan ang mga nagdaang lotto draws ay “have inspired many Filipinos to buy tickets in the hope of winning a life-changing amount of money.”

Noong Sabado ay umabot sa 433 katao ang nagwagi sa tinayaang “winning combination – 09-45-36-27-18-54 – numbers that are all divisible by 9.”

Ang bawat isa ay nanalo lamang ng P545,000 at hindi pa naibabawas dito ang buwis na para sa mambabatas ay “highly unusual result has triggered widespread social and traditional media discussion on whether fraud had attended the draw.”

Binanggit pa sa resolusyon na ang PCSO ay nakabenta ng P25.92 bilyong halaga ng lotto tickets mula January hanggang June ngayong taon na mas mataas ng 32.15 porciento kumpara sa naibenta noong 2021. Meliza Maluntag