Kooperasyon ng Marcos admin-US sa pagprotekta sa WPS, nais ng mayorya ng mga Pinoy – sarbey

Kooperasyon ng Marcos admin-US sa pagprotekta sa WPS, nais ng mayorya ng mga Pinoy – sarbey

January 5, 2023 @ 2:10 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Batay sa Pulse Asia survey, 84% ng mga Pilipino ang naniniwala na dapat makipagtulungan ng Marcos administration sa United States upang palakasin ang security cooperation upang depensahan ang national sovereignty sa West Philippine Sea.

Ang resulta ng survey– na isinagawa noong November 27 hanggang December 1, 2022 aat kinomisyon ng Stratbase ADR Institute — ay iprinisenta ng Pulse Asia President Ronald Holmes sa forum nitong Huwebes.

Makikita sa resulta ng survey na naniniwala anh 52% ng mga Poilipino na dapat ding makipagtulungan ng Marcos administration sa Japan, 25% sa Australia, 24% sa United Kingdom, 23% sa South Korea, 20% sa China at sa European Union, 17% sa Russia, 12% sa France at 2% sa India.

“This indicates that the Philippines must continue to work with its existing allies and forge relationships with new ones in order to competitively and efficiently address issues and incidents in the West Philippine Sea,” paliwanag ni Stratbase President Prof. Dindo Manhit.

“Working with like-minded states, such as the United States, Australia, and Japan, and elevating these ties to strategic partnerships reaffirm the country’s 2016 Arbitral win and contribute to the security and stability in the region,” patuloy niya.

“Working with friends, allies, and partners as a strategy allows the Philippines to practice an independent foreign policy based on the public’s interests.”

Pinagtibay ang exclusive sovereign rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea ng UN Permanent Court of Arbitration noong July 2016 sa desisyon sa kasong inihain ng Manila.

Ibinasura rin ng desisyon ang nine-dash line theory ng China na umaangkin sa kabuuan ng South China Sea.

Subalit, hindi ito kinikilala ng China.

Kasalukuyang nasa China si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa three-day state visit. Sinabi niya nitong Miyerkules na pumayag ang kanyang Chinese counterpart na si Xi Jinping na humanap ng kompromiso at mga panukala na pabor sa mga mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea.

“I was very clear in trying to talk about the plight of our fishermen,” ani Marcos.

“The President promised that we would find a compromise and find a solution that will be beneficial so that our fishermen might be able to fish again in their natural fishing grounds,” dagdag niya.

Samantala, base rin sa December 2022 Pulse Asia, halos 80% ng mga Pilipino ang naniniwala na upang epektibong matugunan ang mga isyu sa West Philippine Sea, dapat gawing prayoridad ng Marcos administration ang pagpapalakas sa military capability  ng Pilipinas, partikular ng Navy at ng Coast Guard, at magsagawa ng joint maritime patrols at military exercises sa allied countries.

Makikita rin sa nasabing survey na 53% ng mga Pilipino ang naniniwala na ang proteksyon ng marine resources at kapaligiran sa teritoryo ng Pilipinas ang pinakamahalagang rason upang palakasin ang abilidad ng Pilipinas upang depensahan ang mga karagatan, habang 22% ang aniniwalang ang piakaimportanteng rason ay ang pagprotekta sa karapatan ng mga indibidwal at komunidad sa coastal areas.

Samantala, 14% ng mga Pilipino ang naniniwalang ang pagpapatigil sa mga aksyon ng China sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas. RNT/SA