Kooperasyon pagdepensa, palalakasin ng PH, Japan

Kooperasyon pagdepensa, palalakasin ng PH, Japan

April 8, 2022 @ 7:11 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nagkasundo ang Pilipinas at Japan na palakasin pa ang kooperasyon pandepensa ng dalawang bansa upang solusyunan ang mga “maritime security challenges”.

Kasunod ito ng isinagawang pulong nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Japanese Minister of Defense Nobuo Kishi sa Tokyo, Japan kahapon, Abril 8.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na personal na nagkaharap sina Lorenzana at Kishi dahil ang unang dalawang pag-uusap nila ay ginawa lamang “virtually.”

Kabilang sa pinag-usapan ng dalawang opisyal ang mga isyu sa rehiyon na parehong concern ng Pilipinas at Japan gaya ng giyera sa Ukraine, de-nuclearization ng North Korea, sitwasyon sa Myanmar, tensyon sa Taiwan strait, at ang isyu sa West Philippine Sea.

Sa isyu sa West Philippine Sea at Taiwan strait, kapwa nanindigan ang dalawang opisyal na dapat manaig ang freedom of navigation and overflight, mapayapang resolusyon sa isyu ng agawan, at pagrespesto sa international law. RNT/ JCM