Koordinasyon ng Halalan 2022 candidates sa PNP inihirit

Koordinasyon ng Halalan 2022 candidates sa PNP inihirit

April 20, 2022 @ 2:11 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ng Philippine National Police (PNP) ang mga kandidato sa Halalan 2022 at ang publiko na makipag-ugnayan sa mga awtoridad para sa kanilang seguridad.

“We would like to remind our candidates and the public at large na importante ang koordinasyon, so the PNP can provide security assistance para maiwasan na mangyari ang kahit anong kaguluhan,” sabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Roderick Augustus Alba nitong Martes ng gabi.

“Hindi naman pinagbabawal ang area security lalo na sa identified high-risk zone. What the Election code prohibits is the employment of bodyguards without the Certificate of Authority,” patuloy niya.

Nagpaalala ang PNP kasunod ng pamamaril sa isang pulong na dinaluhan ng kampo ni presidential aspirant Leody de Guzman kasama ang mga miyembro ng indigenous people sa Quezon, Bukidnon.

Dalawa ang naiulat na sugatan sa insidente.

“It is premature to say that the motive is election-related since we are still gathering enough evidence and determining the circumstances surrounding the incident,” sabi ni Alba. RNT/SA