Manila, Philippines – Naglabas ang Malakanyang kahapon (July 21) ng 68-pahinang ulat kung saan nakadetalye ang lahat ng nakamit ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nakaraang taon.
Dalawang araw bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo, inilabas ang isang ulat, pamphlet, kung saan nakatala ang mga nagawa ng bawat departamento mula July 2016 hanggang July 2017.
Kabilang sa mga nakatala sa mga nakamit ng administrasyong Duterte ay ang mga sumusunod:
- Sa P3.767-trillion budget, 90.6 percent o P3.414 trillion, ang nainilabas sa unang kalahating taon ng 2018. Mas mataas ang rate of release ngayong taon ng nasa 84.3 percent kumpara sa naitala sa parehong period noong 2017 na may P2.824 trillion release out of P3.350 trillion. Kabilang sa mga pinakamataas na percentage na pinaglaanan nito ay ang Departments of Public Works and Highways, National Defense, Health, Education, the Commission on Higher Education at mga Budgetary Support to GOCC.
- Tumaas ang kitang nakolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC), at Bureau of Treasury (BTr) sa unang limang buwan ng 2018. Ang BIR ay nakakolekta ng P827.9 billion sa huling tala nitong katapusan ng May, nasa 14.76 percent o P106.5 billion na mas mataas kumpara sa parehong period ng 2017. Ang BOC naman ay nakakolekta ng P229.19 billion sa huling tala nitong katapusan ng May, nasa 31 percent o P54.3 billion na mas mataas kaysa noong nakaraang taon, habang ang BTr naman ay nagkaroon ng mas mataas na kita kaysa sa inaasahang target o 130 percent sa huling tala nitong May.
- Nakapagtala naman ang Philippine Board of Investments (BOI) ng 7 billion worth of investment approvals para sa January to April 2018, tumaas ng 28 percent kumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon na P153.1 billion.
- Nag-ulat ang Nation Economic Development Authority (Neda) na sa huling tala nitong April, nasa 2018, 625,000 na trabaho ang nagawa. Sa numerong ito, 605,000 ng mga Pinoy ang nagkatrabaho sa manufacturing at construction.
- Isinarado ang Isla ng Boracay para sa anim na buwang rehabilitasyon na nagsimula noong April.
- Kabilang sa mahigit sa 100 key measures na pinirmahan ng Pangulo para maisabatas ay ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act, Republic Act No. 10963; the Ease of Doing Business Act (RA No. 11032), kung saan pinapaikli ang bilang ng araw ng pagproseso sa mga permits at lisensya para sa lahat ng business-related transactions; at Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017, nagpapatupad ng libreng tuition at iba pang bayarin sa mga state university at colleges. (Remate News Team)