Korean Air humingi ng paumanhin sa abala sa Cebu

Korean Air humingi ng paumanhin sa abala sa Cebu

October 24, 2022 @ 5:46 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Humingi ng paumanhin ang Presidente ng Korean Air sa nangyaring insidente ng pagsadsad ng Korean Air flight KE631 sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) nitong Linggo, Oktubre 23.

“I would like to extend my sincere sentiments regarding the Korean Air Flight KE631 incident at Mactan-Cebu International Airport on Oct. 23, 2022,” pahayag ni Korean Air President Keehong Woo.

Matatandaang Linggo n gabi ay nag-overshoot sa runway ng nasabing paliparan ang Airbus 330 jet ng Korean Air.

Nangako naman si Woo na makikipagtulungan sa imbestigasyon sa pagitan ng mga awtoridad mula Pilipinas at Korea.

Siniguro naman ng pamunuan ng nasabing airlines na aalagaan nila ang 173 pasahero at mga crew na pinatuloy na nila sa hotel.

“We always prioritize safety in all of our operations, and we truly regret the stress and inconvenience brought to our passengers,” dagdag na pahayag ni Woo.

Dahil sa nangyaring insidente, pansamantalang isinara at itinigil ang operasyon sa MCIA na ikalawa sa busiest airport sa bansa na nagresulta sa pagkaka-stranded ng aabot sa 530 mga pasahero patungo sa iba’t ibang destinasyon. RNT/JGC