Korean firm, nagbigay ng P50M sa charity work sa Pampanga, Tarlac

Korean firm, nagbigay ng P50M sa charity work sa Pampanga, Tarlac

December 9, 2022 @ 9:10 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagbigay ng P50 milyon na tulong sa charity works ang Korean-led high-end integrated lifestyle resort company na Hann Philippines Inc.

Ito ay bahagi ng kanilang corporate social responsibility arm na Hann Foundation Inc. na layong suportahan ang charity works ng kompanya sa Tarlac at Pampanga.

Ayon kay HFI manager Ronnel Golimlim, layon ng pondong ito na makapagpatayo ng skills laboratory sa Tarlac at mapaunlad ang management information system ng Rafael Lazatin Memorial Medical Center (formerly the Ospital Ning Angeles) sa Angeles, Pampanga.

Pinagsama-sama itong charity endeavors ng Widus, Hann Casino, Clark Marriott at Swissotel sa Clark.

Ani Golimlim, nakapagpatupad na ng 15 health, environment, education, at cultural heritage projects sa Aeta indigenous folk at upland farmers mula 2016 ang dating Widus Foundation Inc.

“We want to do more sustainable campaigns in 2023,” ani Golimlim kasabay ng KapiHann news forum ng Pampanga Press Club nitong Miyerkules, Disyembre 7. RNT/JGC