Korean players papasok sa PBA

Korean players papasok sa PBA

January 20, 2022 @ 1:16 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Inaasahang lalawak ang Korean wave sa Pilipinas sa larangan ng palakasan matapos ang inaasahang pag-uusap ng Philippine Basketball Association (PBA) at Korean Basketball League (KBL).

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, nakipag-ugnayan na ang KBL sa PBA para palakasin ang pagkakaibigan ng dalawang liga.

“Sinulatan tayo ng presidente ng KBL, binabati natin na natapos natin ‘yung liga natin, successful. Gusto niya ng cooperation and strengthening relationship, friendship ang sinabi niya doon,” ani Marcial kaugnay kay KBL president Kim Hee-ok.

Sinabi ni Marcial na gusto ni Kim na pag-usapan ng KBL at PBA ang isang posibleng programa sa pagpapalitan ng mga manlalaro.

 “Gusto niya, mag-usap ang PBA at KBL kung papaano magpalitan ng players, kung anong puwede. Maganda ‘yun,” dagdag nito.

Sinabi ni Marcial na nakipag-ugnayan na siya sa Board of Governors hinggil sa plano ng KBL at nakuha ang pag-apruba ni league chairman Ricky Vargas na makisali sa Korean league.

Noong Agosto 2021, sinabi ng KBL na palalawakin nito ang Asian Player Quota nito para sa 2022 season.

Ang PBA ay kamakailan lamang ay bumuo ng isang multi-year partnership sa East Asia Super League upang payagan ang mga ball club na makipagkumpitensya sa mga koponan mula sa mga liga sa mga kalapit na bansa tulad ng KBL, Japan Professional Basketball League, at ang Chinese Taipei P.League.Rico Navarro