Korean Town sa Maynila, ikakasa!



Korean Town sa Maynila, ikakasa!

March 10, 2021 @ 2:57 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Pinag-usapan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Kim In-Chul, Ambassador of the Republic of Korea, ang pagpapatayo ng “Korean Town” sa Maynila partikular na sa area ng Malate.

Ito ang nakasaad sa social media na Twitter ng Manila Public Information Office (MPIO) kung saan masigasig umano si Domagoso hinggil sa pagpapalakas ng ugnayan ng lungsod ng Maynila sa Korea.

“Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso expressed intent to strengthen the capital city’s relations with South Korea by establishing Korean Town in Malate,” saad sa Twitter post ng MPIO.

Ang naturang pahayag ay matapos mag-courtesy call ang Korean Ambassador kay Domagoso sa Manila City hall kahapon.

Nagpahayag naman si Domagoso sa Korean envoy na ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ay handang tumulong sa plano ng mga ito.

“We are thankful to our neighbors in South Korea for their unwavering support to the City of Manila,” saad ni Domagoso sa kanyang social media.

“I would like to thank His Excellency for paying us a visit at Manila City Hall. We hope that the City of Manila and the Republic of Korea will continue to have good relationship with one another, and if the City could extend any help to your country, we would be happy and honored to do so,” dagdag pa ni Domagoso. Jay Rey


  •  
  •  
  •