Manila, Philippines – Nadiskubreng nakatali ng nylon cord ang leeg ng isang 48-anyos na Koreano sa kanyang inuupahang unit sa Malate,Manila , kaninang umaga.
Gayunman, agad itong isinugod sa PGH pero idineklara ring patay ang biktimang si Yunkyu Park, na pansamantalang nanunuluyan sa Unit 1509 sa Grand Towers Condominium sa 790 P. Ovcampo St. Malate.
Batay sa ulat na isinumite ni Det.Donald Panaligan kay P/Sr.Insp. Rommel Anicete, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-10:20 ng umaga nang madiskubreng nakabitin ang biktima, gamit ang kulay berdeng nylon sa dingding ng unit.
Nabatid sa report ng pulisya, nakatakda sanang magtungo ang isang Trina Trinidad Alere, para maningil ng buwanang renta nang madiskubreng nakabitin na ito.
Malaki ang hinalang may kaugnayan sa casino ang sanhi ng pagpapakamatay ng biktima , habang patuloy itong iniimbestigahan. (Rene Crisostomo)