Korina at Karen, inokray; basher, supalpal!

Korina at Karen, inokray; basher, supalpal!

November 3, 2022 @ 8:44 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Marami ang nagkagusto sa one on one interview ni Korina Sanchez sa kapwa broadcast journalist na si Karen Davila for the former’s show on Net 25.

But as the oft-repeated saying goes: “You cannot please everybody.”

Meron at meron pa ring mga tao na mahirap kumbinsihin na ang face to face encounter ng dalawa ay punumpuno ng sinseridad.

Isang basher ang nasampolan na naman ng katarayan ni Korina sa pagsasabing naglipana ang orocan at tupperware.

Obviously, ang ibig ipakahulugan ng basher ay nagplastikan lang ang dalawang tanyag na mamamahayag.

The basher went as far as making a reference to an incident kung saan pinahubad daw ni Korina ang suot ni Karen dahil magkapareho sila.

That incident allegedly took place in ABS-CBN.

Knowing Korina, hindi niya ito pinalampas.

Aniya, “You’re not only misinformed…you’re also miserable!”

But if there was something good that came out of it, ‘yun ang katotohanang nagkaroon na ng closure sa wakas ang matagal nang isyung magkaaway sina Korina at Karen.

As far as Korina is concerned, nagkataon lang daw na kapwa sila umiikot sa isang competitive environment.

Ito’y kung saan pinagsasabong sila gayong there was no reason for them to be pitted against each other.

As for Karen, itinuturing niyang lost opportunity na hindi man lang niya nakilala si Korina noong mga panahong nasa ABS-CBN pa ito.

Tugon ni Korina, dala rin daw ‘yon ng sobrang pagiging busy.

Tanging si Ted Failon lang daw kasi ang nakakasama niya.

Sa bandang huli, it was an interesting interview.

Viewers are looking forward to seeing Korina interview other news personalities tulad ni Mel Tiangco or even Jessica Soho. Ronnie Carrasco III