Korina, bukas ang pinto sa channel ng mga Villar!

Korina, bukas ang pinto sa channel ng mga Villar!

February 16, 2022 @ 7:36 AM 4 months ago


Manila, Philippines – All systems go na para sa Advanced Media Broadcasting Systems (AMBS) para gamitin ang frequencies ng ABS-CBN.

Balitang ipinagkaloob ang nasabing frequency kay dating Senator Manny Villar, ang sinasabing richest man across the country.

Natanong ang batikang broadcast journalist na si Korina Sanchez kung willing ba siyang umanib sa AMBS, will she grab the offer?

Aniya, “I’m a free agent. All my doors are open.”

Hindi raw siya naniniwalang dapat nagsusunog ng tulay, kaya naman kahit wala na siya sa ABS-CBN na pinaglingkuran niya nang tatlong dekada, “I have a very good relationship with the Lopezes and the network management.”

At the same time, pinagkakautangan din niya ng loob ang Brightlight Productions ni Albee Benitez na sumalo sa kanya at programang Rated K.

Pinagkakatiwalaan daw kasi siya nito in terms of program content.

Pero hindi raw ibig sabihing she can’t be seen anywhere else. “If there’s an offer (by AMBS), why not?”

Mas exciting daw ngayon ang landscape sa industriya sa rami ng mga manggagawa na may magagandang ideya.

“And the stronger frequncies we have–with good content–the better for our country,” pagtatapos ni Korina. Ronnie Carrasco III