Korina, nag-flex na COVID-19 free, binara ng netizens!

Korina, nag-flex na COVID-19 free, binara ng netizens!

January 11, 2022 @ 8:00 AM 7 months ago


Quezon City, Philippines – Biglang naging kontrobersyal at nilait ng netizens ang broadcaster na si Korina Sanchez.

Kahit na deka-dekada na rin ang career n’ya sa broadcast media, bihira siyang maging kontrobersyal at sentro ng panlalait ng mga netizen.

Pero nitong January 9, may isang entertainment website na tinawag na “insensitive” ang Instagram post n’ya na sanhi ng mga nagparunggit sa kanya.

Actually, inalis na n’ya ang post na ‘yon bagama’t na-screen shot na ito ng maraming netizens at nai-repost — na may kalakip ng panlalait sa kanya.

Saad ni Korina sa  January 9 post n’ya na tinanggal din n’ya nu’ng araw na ‘yon: “IMAGINE. Lahat nagka-COVID na. Ako never pa. And Im ALL OVER. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase dami ko tinutulungan?”

Kalakip nito ang swimsuit photo ni Korina na kuha sa isang beach.

Ayon sa ilang netizens na nakabasa ng post ni Korina, “off” at “insensitive” ito lalo na ngayong tumataas muli ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Matapos ang ilang minuto, in-edit ng Rated Korina host ang kanyang caption. Nakalagay na rito: “IMAGINE. Lahat nagka covid na. Ako never pa. And Im ALL OVER. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase baka nakakatulong ‘yung may natutulungan din? Please bless and heal all those infected.”

Pasaring ng netizen sa caption: “KAYA KAYO TUMULONG KAYO KUNG AYAW NIYO MAGKACOVID”

Dagdag pa ng netizen: “AY WAIT BINAGO NA PALA CAPTION BASTA TUMULONG PA RIN OKEI.”

Sa isa pang screenshot, comment  ng isang netizen sa post ni Korina: “Tone deaf naman po Ms Korina.”

Sumagot  si Korina: “Talaga ba? Nagpasalamat lang na ‘di pa na covid tone deaf na? Baka ikaw? [thumbs down emoji]”

Reaction ng netizen sa kanyang post, “HALA LAGOWT! SA DAMI NG COMMENTS TAYO ANG LUCKY WINNER SA GRAND DRAW!”

Sa Twitter, nagkomento rin ang dating Survivor Philippines castaway na si Kiko Rustia sa post ni Korina na ibinahagi ng netizen.

Opinyon ni Kiko, “Wala sa lugar ‘yung post nya, lalo na ‘yung pag flex nya ng photo nyang ‘yan plus that original caption. Sobrang off.”

Sa comments section, isang netizen ang nagsabing mabuti at binura na ni Korina ang nauna nitong post.

Tugon ni Korina: “Miscalculation of words in caption. This is what I meant.”

Okey, Korina, sabi mo, eh! Danny Vibas