Korina, to-the-rescue kay Pacman!

Korina, to-the-rescue kay Pacman!

September 14, 2021 @ 5:29 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nakatuwaang kunan ni Korina Sanchez ng litrato si Senator Manny Pacquiao na kumakain nang nakakamay sa bahay.

Ipinalabas niya rin ito sa kanyang Rated K nitong Linggo, Setyembre 12.

Saad ng post ni Korina, naubos ng senador ang dalawang takal ng kanin at isda pero itinira ang inihaw na manok.

Umani naman ito ng mga negatibong komento mula sa mga netizen.

Anila, lumang estilo na raw ‘yon lalo’t balitang tatakbong Pangulo si Pacman. Ano raw kaya ang susunod na litrato na aantig sa masa, magpakuha suot ang sirang sapatos?

Depensa ni Korina, ni hindi nga raw aware si Pacman na kinukunan siya ng picture. Basta ang alam daw niya’y ganoon kung kumain ito sa bahay.

Pagtatanggol pa ng isang netizen, ang pagkain daw nang nakakamay connects one with the food and the one who prepared it, “Eating with bare hands is a spiritual experience.”

Marami pang komentong nagsanga-sanga na para bang ginawang malaking isyu ang pagkain ni Pacman nang nakakamay, kaya pabirong post ni Korina, “Ang daming sinabi.” Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •