Korona ni Ninobla sa taekwondo idedepensa sa PSC Women’s Martial Arts Fest

Korona ni Ninobla sa taekwondo idedepensa sa PSC Women’s Martial Arts Fest

November 18, 2022 @ 5:01 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines -Ipinakita ni Jocelyn Ninobla ang kanyang husay sa local turf sa pamamagitan ng pag-angkin ng dalawang gintong medalya sa taekwondo sa pagtatapos ng 8th Philippine Sports Commission-Women’s Martial Arts Festival sa Rizal Memorial Coliseum.

Kasalukuyang No. 2 sa world rankings, umiskor si Ninobla ng 8.37 puntos para agawin ang gintong medalya sa individual poomsae bago manguna sa national squad sa kanyang ikalawang tagumpay sa women’s freestyle team event.

Isang back-to-back Southeast Asian Games champion, ang 26-anyos na si Ninobla, ay nakipagsanib kay Jona Keith Castillo at Janna Dominique Oliva sa team poomsae gold matapos silang sama-samang umiskor ng 7.16 puntos.

Pinangunahan ni PSC Commissioner Olivia “Bong’’ Coo ang closing ceremonies pagkatapos ng anim na araw na aksyon na nagtatampok ng 11 combat sports sa event na inorganisa ng PSC at suportado ng Pocari Sweat at Go21 kung saan lumahok ang mga pinakamahuhusay na atleta mula sa pambansang koponan.

“Ito ay napaka-matagumpay. Mayroon kaming 628 na mga atleta na lumahok, at naipakita namin na maraming kababaihan ang mahilig sa martial arts. Isa rin itong pagkakataon upang hikayatin ang mas maraming kababaihan na lumahok sa mga sports na ito at matutong ipagtanggol ang kanilang sarili,’ ‘ sabi ni Coo.

Nagsisilbing tune up ang Women’s Martial Arts Festival para sa mga miyembro ng pambansang koponan sa pencak silat, karatedo, sambo, kickboxing, taekwondo, wrestling, muaythai, jiujitsu at kurash sa kanilang buildup para sa 6th Asian Indoor Martial Arts Games sa Bangkok , Thailand eksaktong isang taon mula ngayon.

Sa kyorugi event sa taekwondo, tinalo ni finweight Rajany Darlyn Santos ng National University si Samantha Siboc ng San Beda University habang si Abegail Valdez ng University of Santo Tomas ang naghari sa flyweight division matapos talunin ang kapwa national team member na si Veronica Garces.

Ang iba pang mga nanalo sa event kung saan ang pambansang poomsae team ay nagsagawa rin ng demonstrasyon ng kanilang mastery sa closing rites ay sina Raven Allyson Pablo (bantamweight), Realis Tabiando (featherweight), Jubilee Briones (lightweight) at Aila Mathel Calip (welterweight).

Ang mga kickboxer mula sa pambansang koponan ay naghari rin sa kanilang mga kategorya ng timbang kung saan tinalo ni Renalyn Dacquel ang co-Philippine team member na si Aimee Ramos sa 52kg class at tinalo ni Gretel De Paz si Catherine Soria ng Team Baldugan (Pasig City).JC