Korte sa buong bansa #WalangPasok

Korte sa buong bansa #WalangPasok

February 24, 2023 @ 7:03 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Walang pasok sa lahat ng korte sa buong bansa ngayong Biyernes, Pebrero 24– mula sa Korte Suprema hanggang sa pinakamababang korte.

Sinabi ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo ang kanselasyon ng trabaho ay ayon sa Proclamation No. 167 na nagdeklara sa Pebrero 24 bilang isang espesyal na nonworking holiday bilang pagdiriwang ng anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, na pumapatak ng Sabado ngayong taon.

Ngunit sinabi ni Gesmundo na ang mga mahistrado at hukom ay maaaring magtalaga ng mga mahahalagang tauhan na maaaring kailanganing magtrabaho ngayong araw.

Dahil sa pagkansela ng trabaho, ang mga pagdinig sa korte at iba pang mga paglilitis ay kailangang ire-schedule. Jocelyn Tabangcura-Domenden