Korte sa MECQ areas bukod sa SC, sarado hanggang Sept. 7

Korte sa MECQ areas bukod sa SC, sarado hanggang Sept. 7

August 28, 2021 @ 3:33 PM 10 months ago


Sarado ang lahat ng korte sa National Capital Region (NCR) bukod sa Supreme Court sa lahat ng lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang Setyembre 7.

Isinailalim din ang Bataan at Laguna sa ilalim ng MECQ hanggang sa nasabing araw.

Sa inisyung circular ni Court Administrator Jose Midas P. Marquez base sa utos ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo, lahat ng trial courts sa MECQ areas at appellate courts  tulad ng Court of Appeals, Sandiganbayan, atCourt of Tax Appeals ay dapat mag-operate online.

Maaari namang sumangguni sa hotlines at email address na naka-post sa SC website na sc.judiciary.gov.ph. RNT/FGDC