Korte Suprema, pinuna sa bagong utos sa Hacienda Luisita

Korte Suprema, pinuna sa bagong utos sa Hacienda Luisita

July 8, 2018 @ 2:44 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Kinundena ng Anakpawis Party-list Rep. Ariel “Ka Ayik” Casilao ang Korte Suprema dahil sa pagbaligtad sa unang desisyon na nag-aatas sa Hacienda Luisita, Inc. na bayaran ang mga manggagawa ng P1.3 bilyon bilang bahagi ng mga ito sa pagbebenta ng agrarian reform lands.

Naunang utos ng SC ang bayaran ng Hacienda Luisita, Inc. ang may 6,296 na manggagawa ng kabuuang P1.3 bilyon dahil sa naibentang libong ektarya ng lupa sa hacienda na dapat sana ay sakupin ng  agrarian reform program.

“This sudden turnabout is dubious as the high court’s decision  in November 2011, as the farm workers’ struggle against the stock distribution option took almost a decade, and the arduous deliberation at the Supreme Court took about 7 years, when it  decided in 2011 and 2012, and now it is absolving HLI of its obligation to compensate the poor farm workers,” giit pa ni Casilao.

Isa rin aniyang malaking insulto na hindi man lamang nabigyan ng hustisya ang 7 martir ng 2004 Hacienda Luisita Massacre at ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa ilalim ng administrasyong  Aquino na lantaran ang ginawang pagbinbin sa pagpapatupad ng unang desisyon ng SC na ipamahagi sa mga magsasaka ang nabanggit na benipisyong lupa ng mga ito.

“We see conflict of interests piled up one after another, and believe that the Supreme Court succumbed to influences of big businesses with profit-interests in Hacienda Luisita.”

Tinukoy pa nito ang pagbabago ng may-ari ng Central Azucarera de Tarlac  (CAT)noong June 2015 sa halagang P2 bilyon mulana sa Cojuangco family  kay Martin Lorenzo, kaanak ng Lorenzo family na nagmamay-ari sa Lapanday na ang plantasyon ay nasa Mindanao.

Bilang resulta ng kasunduan ay ang pagkakaroon ng joint venture sa pagitan ng CAT Resource and Asset Holdings Inc. (Crahi) at Martin Lorenzo at Fernando Cojuangco.

Isa pang transaksyon dito ay ang pagbili sa Ayala Land Inc. noong 2018 sa may 300-ektaryang lupa sa loob ng hacienda sa halagang P5.8 billion.

Gipit aniya si Lorenzo at kailangan nitong makaipon ng pondo upang ipambayad sa binili nitong CAT na dapat ay bayaran ay sa October 2019.

Binanggit pa ni Casilao na ang Lorenzo family ay ma-impluwensya dahil ang presidential son-in-law na si Manases Carpio ang nagsisilbing legal counsel. (meliza maluntag)