Koryano tigok sa ganti

Koryano tigok sa ganti

April 7, 2022 @ 2:43 PM 3 months ago


POLOMOLOK —Paghihiganti ang isa sa tinitignan motibo ng pulisya sa pamamaril patay sa isang Korean national matapos tambangan ng riding in tandem suspect nitong Sabado sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Jung Jang Ho, 45, Korean national at residente ng Macademia St., Lantana Subdivision, Barangay Cannery Site, Polomolok, South Cotabato.

Batay sa report ng Polomolok PNP, bandang 1:58 AM naganap ang krimen sa Sanchez St., Barangay Poblacion.

Lumabas sa paunang imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang Toyota Innova na kulay silver na may plakang ZKL-181 at binabaybay ang kahabaan ng Sanchez Road papuntang provincial road.

Pagdating sa lugar bigla na lamang siyang pinagbabaril ng mga suspek sa ulo at iba pang parte ng katawan saka mabilis na nagsitakas.

Dahil dito, nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima at dumiretso sa nang pinagbabaril ng dalawang suspek na agad tumakas gutter shoulder ng kalsada ang sasakyan nito.

Isinugod naman sa ospital ang biktima pero dineklara na rin patay ng doktor.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen nakapulot sila ng 7 fired cartridge cases ng cal. 9mm; assorted I.D’s, power bank , leather bag na may mga assorted documents at P1,288.00.

Nabatid bago ang insidente mayroon umanong nakaalitan ang biktima.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran ikadarakip sa mga ito./Mary Anne Sapico