Kotongerong traffic enforcer sinibak

Kotongerong traffic enforcer sinibak

July 19, 2022 @ 11:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinibak ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang isang traffic enforcer matapos itong mahuli na nangongotong sa C3 Dagat-Dagatan.

“Malinaw po ang aking bilin sa ating mga kawani at kapwa-empleyado sa Pamahalaang Lungsod—huwag mang-aagrabyado at huwag mananamantala,” ani Mayor Along Malapitan.

“Magsilbi po sana itong babala sa iba, hindi ko kukunsintihin ang mga ganitong gawain at walang puwang sa aking administrasyon ang mga namemerwisyo sa mga mamamayan ng Caloocan,” dagdag ng alkalde.

Maliban dito ay nagbigay rin si Malapitan ng direktiba mga kapwa-empleyado ng pamahalaang lungsod na simulan ang paglilinis sa kani-kanilang mga opisina upang mas maging maaliwalas ang mga tanggapan at maging komportable ang mga mamamayan na may transaksyon sa ating lokal na pamahalaan. Merly Iral