KOTSE NA NANAGASA NG TAO SA PASIG CITY

KOTSE NA NANAGASA NG TAO SA PASIG CITY

January 11, 2022 @ 9:32 AM 7 months ago


ISANG sumbong na naman ang nakarating sa inyong lingkod ito ay may kinalaman tungkol po sa isang kotse na gumagala umano sa Pasig City na nanagasa ng mga tao kahit sa gilid na dumaraan ang mga tao ay biglang pinaharurot ng gagong driver.

Kung sinoman ang tarantadong driver ng kotse ito na may plate number NBU-5251 na kulay puti, ang dalangin po ng inyong lingkod sana ay ‘wag siyang mabangga dahil kapag nabangga siya ay ito ang kanyang huling araw sa mundo…

Tarantado siya…

Basahin ang liham na ipinadala po sa atin ng isang concerned citizen:

[email protected]:

Dear Mr. De Sabog, isumbong lang po namin itong isang kotse na gumagala dito sa Pasig City na may plate number NBU-5251 na kulay puti na madalas pong gumagala dito sa Pasig City at karatig-bayan.

Ang masakit po rito ang ‘di pa nakikilalang driver ay nanagasa ng mga tao kahit nasa gilid na ng kalsada pagkatapos ay sabay nito pinahaharurot ang kanyang kotse sa nasabing siyudad na kung saan ay kinatatakutan ito ngayon sa aming lugar.

Sir Johnny, dapat ay matanggalan po ng driver’s license ang nagmamanehong ito kasi napakadelikado dahil maraming mga bata partikular kapag may pasok na ang mga naglalakad rito kung araw ng may mga pasok na.

Dapat ay ma-impound din ang sasakyan nito at patawan ng kaukulan parusa po…

Salamat po concerned citizen.

O, kung sinoman ang may-ari ng kotseng ito na may plate number NBU-5251 kulay puti nabasa mo siguro ang reklamo syo…

Kung hindi ka maglulubay sa ginagawa mong bara-barang pagmamaneho ng iyong kotse,weel ikaw na ang bahala sa buhay mo dahil kapag napuno na ang salop ng mga Pasengenyo malamang sa malamang ulutan ka sa kakungan…

oOo

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]