Kotse nagliyab; rider patay, angkas kritikal!

Kotse nagliyab; rider patay, angkas kritikal!

October 27, 2022 @ 6:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Patay ang isang rider habang kritikal ang angkas nito nang masalpok ng kotse sa Malate, Manila madaling araw ngayong Huwebes.

Sa update ng Manila Police District- Traffic Enforcement Unit, nasalpok ng Subaru Forester (AMC 528) na pagmamay-ari ng residente ng Scout Gandia, Quezon City ang mga biktima na patuloy pang inaalam ang pagkakilanlan.

Binabagtas umano ng kotse at motorsiklo ang kahabaan ng norhbound ng taft Ave., sa Malate, Manila nang masalpok ng kotse ang kanang bahagi ng motorkilo dahilan para tumilapon ang mga biktima.

Nagawa pang i-revive ng mga rescuer ang rider ngunit hindi na kinaya sanhi ng tinamong pinsala habang nanatiling “unconscious” ang kanyang angkas/pasahero sa Philippine General Hospital.

Maswerte naman siyang nakalabas ng kotse habang nagliliyab ang sasakyan. Jocelyn Tabangcura-Domenden