Kpop group na ‘DONGKIZ’ palit-pangalan

Kpop group na ‘DONGKIZ’ palit-pangalan

March 18, 2022 @ 5:34 PM 3 months ago


SEOUL, South Korea – Isang nakayayanig na balita ang inanunsyo ng Dongyo Entertainment para sa mga fans ng Kpop boy group na DONGKIZ!

Sa isang statement, inihayag ng naturang talent agency na mula sa pangalang DONGKIZ, ito ay tatawagin nang DKZ.

Maliban dito, malungkot na balita dahil ang miyembro nitong si Wondae ay kakalas na rin sa grupo at magkakaroon na lamang ng tatlong miyembro.

“Wondae took a break after an injury and had an in-depth discussion with us about his future activities. However, it’s the doctor’s opinion that he’ll need constant rehabilitation in the future. Wondae ultimately decided to withdraw from the team,” pahayag ng Dongyo Entertainment.

Dagdag pa rito, hindi pa rin inaasahan ang pagbabalik ng isa pang miyembro ng DONGKIZ na si Munik na napaulat na mayroong health issues.

Inaasahan na sa susunod na buwan ang magiging comeback ng DONGKIZ na opisyal nang tatawaging DKZ kasama ang tatlong miyembro na sina Kyoungyoon, Jaechan at Jonghyeong. RNT/JGC