Kpop group na MAMAMOO nagpatikim na sa kanilang anticipated album

Kpop group na MAMAMOO nagpatikim na sa kanilang anticipated album

September 14, 2021 @ 3:53 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

SOUTH KOREA – Hindi pa man pormal na nailalabas sa publiko, nagpatikim na kaagad ang K-pop girl group na MAMAMOO sa kanilang upcoming album.

Ipinakilala ang grupo noong 2014, at binubuo ng mga miyembro na sina Solar, Moonbyul, Wheein at Hwasa.

Kahapon, Setyembre 13 ay inilabas ng grupo ang teaser ng kanilang upcoming song na “mumumumuch”.

Bahagi ang kantang ito ng kanilang anticipated album na “I Say MAMAMOO: The Best.”

Sa kanilang teaser, ipinakita ang clip kung saan nag-eenjoy ang grupo sa isang slumber party, na tila nagbibigay rin ng feels kung ano na agad ang magiging tema ng kanilang awitin.

Ika-20 track ang “mumumumuch” sa kanilang album kung ang pagbabasehan ay ang track list na inilabas naman ng grupo noong Setyembre 7.

Maaalalang inilabas ng MAMAMOO ang track list ng kanilang upcoming album sa nabanggit na petsa at inaasahang magkakaroon ito ng 22 tracks.

Ire-release ang album bukas, Setyembre 15, alas-sais ng gabi oras sa Korea. RNT


  •  
  •  
  •