Kredensyal ng Thai envoy natanggap na ni PBBM

Kredensyal ng Thai envoy natanggap na ni PBBM

July 23, 2022 @ 11:00 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Natanggap na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Biyernes ang kredensyal ni newly-designated Thailand Ambassador to the Philippines Tull Traisorat.

Ipinrisinta ni Traisorat ang kanyang kredensyal kay Marcos sa isang seremonya sa Reception Hall sa Malacãnan Palace sa Manila.

Tinanggap ng Pangulo si Traisorat atUnited States (US) Ambassador MaryKay Loss Carlson, na nagprisinta rin ng kanyang kredensyal sa chief executive.

“Today, the Ambassadors-designate of the US and Thailand, MaryKay Loss Carlson and Tull Traisorat, presented their credentials,” pahayag ni Marcos.

“We look forward to continuing to strengthen our ties in pursuit of common goals and relationship-building between our peoples,” dagdag niya.

Sinabi ni Traisorat na isusulong ang mga oportunidad para sa “synergy” sa pagitan ng Pilipinas at Thailand sa food security, healthcare, education, technology at innovation.

Bago ang kanyang pagkakatalaga, si Traisorat ay Consul-General ng Thailand sa Hong Kong. Nagsilbi rin siyang chargé d’Affaires sa London. simpliolabs.com RNT/SA