Krimen sa Undas 2022, 58% mas mababa

Krimen sa Undas 2022, 58% mas mababa

November 3, 2022 @ 10:14 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Bumaba ang bilang ng mga krimen na naitala nitong Undas 2022 kumpara noong nakaraang taon, sa kabila ng pagbubukas ng mga sementeryo sa All Saints’ Day at All Souls’ Day matapos ang dalawang taon.

Batay sa ulat, bumaba ang naitalang index crimes gaya ng murder, rape, at homicide nang mahigit kalahati kumpara noong Undas 2021.

“Bumaba tayo ng 57.94% yung pagbaba ng krimen ay pwede nating i-attribute sa police visibility at yung pinatupad ng ating Chief PNP na 85% deployment,” ani PNO PIO Chief Police Coloner Redrico Maranan.

Inihayag ng police organization na ang susunod nilang misyon ay bawasan ang bilang ng mga krimen sa darating na Kapaskuhan, dahil posibleng tumaas ang nakawan sa panahong ito, sa pagsigla ang economic activity sa buong bansa.

Nagbabala naman ang mga awtoridad sa publiko na huwag magdala ng malaking halaga ng pera, mamahaling alahas, at “unnecessary gadgets” kapag lumalabas at pumupunta sa mataong lugar.

Pinayuhan din ang publiko na gumamit ng e-wallets upang maiwasang manakawan, anila.

“Pagka ganiyang matao, nandiyan din ang mga tinatawag nating ‘manda at mando,’ mga mandurukot at mga magnanakaw. At saka malaking factor na din siguro, nauso na rin kasi ‘yung online selling and shopping ngayon. So siguro, mas less yung makikita natin ngayon sa mga crowded places, but just the same, early on nagde-deploy na tayo ng mga kapulisan natin,” sabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo. RNT/SA