Kris Aquino at Mayor Herbert, magkasama kagabi

Kris Aquino at Mayor Herbert, magkasama kagabi

October 8, 2018 @ 5:18 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Naging usap-usapan ang Instagram post ni Kris Aquino kagabi (Okrubre 7) kung saan makikitang magkatabi sila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista kasama ang dalawa pa nitong kaibigan.

Sa post na ito, may caption na tila tumutukoy sa alkalde, “Admittedly in 2014 HAPPILY EVER AFTER wasn’t meant for us. BUT it wasn’t THE END.”

Ayon pa sa caption, lagi siyang nasa tabi niya tuwing kailangan niya ng kaibigan.

 

 

View this post on Instagram

 

Admittedly in 2014 HAPPILY EVER AFTER wasn’t meant for us. BUT it wasn’t THE END. He’s been there whenever i needed a friend, hindi na ko nagulat- nandito sya ngayon… Bakit sya? This is my WHY: nabasa nya mismo my long term endorsement contracts- renewals plus 3 new ones. They all strongly discourage me from divisive political participation & even posts. He wants me to regain my health & he supports my priorities. Ako nang magsasabi, when we fought nasumbat ko na: naging 1st daughter & 1st sister na ko- di mo ba na appreciate na ikaw ang minahal & di yung posisyon mo? Binweltahan nya ko: kaya nga ang hirap mong maging ka relasyon kasi pinaghirapan ko ‘to tapos user ang ibabato sa kin? I chose to share this because our story has my perspective & his point of view. i’ve survived a lot recently & you deserve our TRUTH. (Pic from dinner w/ friends from 🇺🇸)

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

Dahil dito kinilig na naman ang kanilang mga fans at maraming nagtatanong kung nagkabalikan na nga ba sila?

Bagama’t hindi tuwirang sinabi ni Krissy kung nagkabalikan ba sila, ayon sa pahayag niya sa PEP.ph, “No need to ask kung nagkabalikan, because if we did — I’d have requested him to do IG & FB Live because he’s the man and the confirmation of our relationship status should come from him…”

Paliwanag niya, nagkita-kita lang sila ni Mayor Bistek at ng mga kaibigan nila sa isang restaurant sa Podium.

“Everything I posted, I showed him before uploading,” aniya.

“We know where we stand in each other’s lives. We understand & trust each other,” dagdag pa nito.

Sinabi pa niya sa ibinigay na paliwanag sa naturang entertainment news website na ayaw niyang mag-iwan ng misinterpretation at alam na nilang dalawa ni Mayor Herbert kung ano ang nararamdaman nila para sa isa’t isa.

“I don’t want to leave room for misinterpretation. I know HB & I will always have respect & affection for each other.” (Remate News Team)